Tungkol sa AFCA

Ang Australian Financial Complaints Authority (AFCA) ay isang independiyenteng sistemang panlabas sa pagresolba ng alitan.

Ang AFCA ay nagbibigay sa mga indibidwal at maliliit na negosyo ng libre, makatarungan at naaangkop na serbisyo sa paglutas ng mga reklamo tungkol sa mga pinansiyal na produkto at serbisyo.

Maari naming harapin ang iba’t ibang uri ng problema, kabilang ang:

  • mga pagkakamali sa mga transaksyon sa bangko at mga pagkalista sa kredito
    (credit listings)
  • hirap sa pagbabayad ng mga utang, mga credit card at panandaliang pananalapi (short-term finance) kung saan nagbago ang iyong pinansiyal na kalagayan
  • pagtanggi sa claim sa seguro (tulad sa sasakyan, tahanan at mga nilalaman,
    mga alagang hayop, paglalakbay, proteksyon sa kita at trauma)
  • di-angkop na payo sa pamumuhunan
  • ang desisyon ng tagapangasiwa tungkol sa pamamahagi ng benepisyo sa superannuation.

Ang magagawa namin

Kung hindi mo naresolba ang iyong reklamo nang direkta sa iyong pinansiyal na kompanya, maaari mong kontakin ang AFCA.

Matutulungan naming lutasin ang iyong reklamo nang walang gastos at hirap ng pagpunta sa korte. Hindi na kailangan pang kumuha ng payo sa batas o iba pang payo kapag naghahain ng reklamo maliban kung gusto mo ito.

Serbisyo ng interpreter

Kung hindi Ingles ang iyong unang wika, maaari ka naming bigyan ng libreng serbisyo ng interpreter. Tumawag sa libreng serbisyo ng interpreter sa 131 450, o tumawag sa amin sa 1800 931 678 * at aayusin naming mabigyan ka ng isang interpreter.

Makipag-ugnay sa amin

Kausapin ang aming kawani sa 1800 931 678*.

*9 ng umaga–5 ng hapon na oras sa Melbourne. Libre ang mga tawag sa numerong ito mula sa mga landline sa Australya. Ang mga tawag mula sa mga mobile phone ay maaaring singilin, paki-tsek sa iyong carrier.

Karagdagang impormasyon

  • Polyeto tungkol sa paraan ng paglutas ng reklamo
  • Form ng reklamo - napi-print na bersyon
  • Gabay sa mga kumperensya ng pakikipagkasundo
  • Gabay sa pagharap sa kahirapan sa pananalapi
  • Papel-kaalaman sa nagkamaling mga kabayaran sa internet
  • Papel-kaalaman sa pag-break ng fixed rate na utang

 

Feedback tungkol sa aming serbisyo

Para magbigay sa amin ng iyong feedback (mga papuri, mungkahi o reklamo) tungkol sa aming serbisyo, Mangyaring punan ang form sa feedback (PDF na form sa feedback).

 

Iba pang mga detalye ng contact

Australian Financial Complaints Authority

GPO Box 3

Melbourne VIC 3001

 

Email: info@afca.org.au

Fax: (03) 9613 6399

Website: www.afca.org.au